Friday, April 11, 2008

Ang Panitikan

Tayong lahat ay nakatira sa isang bakyum. Lahat ng ginagawa antin dito sa mundo ay nakakaapekto sa lahat ng taong nakapaligid sa atin. Ang panitikan ng ating lahi ay masasabi nating nakakaapekto sa buhay ng bawat mamamayan ng bansang ito. Bagamat pagod na ang mga tao sa kakasigaw ng kalayaan ay walang sawa parin nating tinatangkilik ang mga ito. Meron itong epekto sa atin, malaki man ito o maliit, hindi na ito mahalaga basta ito ay nailimbag na hindi lang sa papel na madaling mabulok kundi sa mga puso natin upang ang mensahe nito ay maipakalat sa mga hindi pa nakakabasa at nakakarinig.

Mahirap ang buhay, ngunit mahirap nga ba ito o tayo mismo ang nagpapahirap sa ating sarili. Ang ating panitikan ay isang daan sa atin upang iangat tayo sa pagkakalugmok ng ating buhay. Hindi man mangyari sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa loob ng isang panitikan ay magsisilbing inspirasyon ito sa ating upang tayo ay sumulong sa ating mga pagkakamali at mga pagkukulang sa ating mga ginanagawa. Kapag sinimulan nating mahalin ang ating panitikan ay magkakaroon tayo ay matatnaw natin ang pagbubukang liwayway ng ating pagmamahal sa ating kapwa at sa ating bansang matagal na nating kinalimutan.

No comments: